Naalala ko non "breaktime" tapos nagCR kame pagbalik ko nagtataka ako
kasi tinatawag ako nong classmate ko nakaharap sila sa bulletin board
may binabasa silang nakapost doon, ako naman sa sobrang excited ko kung
anong meron napasigaw ako kung "baket" kasabay ang mabilis kong
paghakbang na may kasama pang ngiti sa mga labi ko. Paglapit ko sa board
laking gulat ko sa nakita ko ni hindi ko man napansin na nag
"Congratulation" ay kulng ng "R" tas tinuro ng classmate ko yung name ko
grabeeeeh no words can say how happy I am that time parang nagfreeze ang
lahat ang saya ko ang sarap sa feeling na nasa top ako ang pinagtataka
ko pa ehh di naman ako nagreview sa subject na THEODBS ang naisip ko
na lang ehh siguro ehh mas inintindi ko yung mga questions at pinili ang
mga tamang sagot. Hanggang sa ako na lang magisa ang naiwang nakaharap
sa board at titig na titig doon ayaw ko kasing alisin ang paningin ko sa
nakapost tapos naisipan ko pang kuhanan ng picture. Iba talaga kasi sa
pakiramdam na kaya ko palang higitan ang iba at pantayan.
Maya
maya pa ehh inabangan ko yung instructor ko kasi magpapasalamat ako
dahil ang taas ng nakuha ko sa kanya at sumagot naman sya ng isang ngiti
sa akin. Sya ang last period namen at kinung-gratulate nya kame syempre
may top 10 den sa class at pangtop 2 ako don. Haaaay! iyon na ang isa
sa pinakamasayang araw ko ngayong 2013 at sobra akong nagpapasalamat
nang dahil don. Hindi ko inaasahan na mapapabilang ako sa mga
matatalinong estudyante sa school namen.
No comments:
Post a Comment