Sunday, March 31, 2013


Bawat kanta may kwento. Bawat linya nito may ibig sabihin. At bawat tugtog ay may nais ipahiwatig. Ang buhay parang musika, makahulugan, minsan masaya pero kadalasan napalalungkot, minsan maganda ang katapusan pero lagi naming bitin. Merong nagpapangiti, nagpapaiyak, higit sa lahat ito ay nagpapaalaala saten sa nakaraan. Kung pano tayo nasaktan at nagkaroon muli ng pag-asa. Sa tuwing nakikinig tayo ng mga kanta masasabi naten sa sarili naten na sana tayo na lang yung nasa ganong sitwasyon lalo na kung puno ng inspirasyon ang nais nitong iparating.

Lahat ng tao may kanya kanyang paborito pagdating sa musika kasi ito yung sumisimbolo sa kwento ng buhay naten, yung kahit mag isa ka  lang pero sa tuwing pinapakinggan ramdam mo na di ka nag iisa  and you feel at ease. Aminin man naten o hindi pero lahat ng naririnig nateng kanta ay may aral saten, aral na sana noong una pa lang ay alam na naten pero di naman naten malalaman kung di naten naumpisahan at kung di naten tatapusin. Hindi bas a bawat kanta ay may isang tao tayong naaalala? Kasi ito yung taong minsan na ring naging parte ng buhay naten, binigyang halaga at tumatak sa puso’t isipan naten. Sa magagandang memories na naiwan nya na tanging kanta lamang ang nagpapaalaala.

Monday, February 25, 2013


Ang pinakamasayang parte sa buhay ng isang tao ay ang pagiging bata. Malayang nakikipaglaro,walang problema, iniiwasang masakatan kasi may mga magulang na pumoprotekta, tinuturuan ng mga magagandang bagay, laging may nagpapasaya sa tuwing nalulungkot ka, maraming nagmamahal sayo at natutuwa sa mga ginagawa mo.  People around you want to feel how important and precious you are. I tnink...having toy is the first thing why children are happy. Kasi kahit mag-isa ka maligaya ka pa rin kasi sa laruan pwede mong gawin lahat ng ninanais mo nang walang  pumipigil sayo, di yan magrereact kung tama ba o mali ang pagmamanipulate mo sa kanya. Walang pakiramdam, walang kakayahang magsalita kung nasasaktan na sya dahil sa ginagawa mo.
Minsan nga sumbungan pa naten ehh kapag napapagalitan tayo sa sobrang kulit. Ang bata matatampuhin, masyadong marupok, balat sibuyas, kapag may nagawang kasalanan takot umamin kasi pakiramdam nila sasaktan sila anumang oras. Pero kapag nakuha nyan ang gusto nya lahat ng ipapagawa mo gagawin nya na may kasama pang “promise” ni hindi mo na nga maipinta ang mukha dahil sa sobrang ligaya kasi at the end of the day nasunod na naman ang kagustuhan nya. Kahit walang pambli minsan. Parents always find a way para lang mabilhan ka nila kasi matutuwa rin sila kapag nakikita ka nilang masaya.


Saturday, February 9, 2013

Naalala ko non "breaktime" tapos nagCR kame pagbalik ko nagtataka ako kasi tinatawag ako nong classmate ko nakaharap sila sa bulletin board may binabasa silang nakapost doon, ako naman sa sobrang excited ko kung anong meron napasigaw ako kung "baket" kasabay ang mabilis kong paghakbang na may kasama pang ngiti sa mga labi ko. Paglapit ko sa board laking gulat ko sa nakita ko ni hindi ko man napansin na nag "Congratulation" ay kulng ng "R" tas tinuro ng classmate ko yung name ko grabeeeeh no words can say how happy I am that time parang nagfreeze ang lahat ang saya ko ang sarap sa feeling  na nasa top ako ang pinagtataka ko pa ehh  di naman ako nagreview sa subject na THEODBS ang naisip ko na lang ehh siguro ehh mas inintindi ko yung mga questions at pinili ang mga tamang sagot. Hanggang sa ako na lang magisa ang naiwang nakaharap sa board at titig na titig doon ayaw ko kasing alisin ang paningin ko sa nakapost tapos naisipan ko pang kuhanan ng picture. Iba talaga kasi sa pakiramdam na kaya ko palang higitan ang iba at pantayan.

Maya maya pa ehh inabangan ko yung instructor ko kasi magpapasalamat ako dahil ang taas ng nakuha ko sa kanya at sumagot naman sya ng isang ngiti sa akin. Sya ang last period namen at kinung-gratulate nya kame syempre may top 10 den sa class at pangtop 2 ako don. Haaaay! iyon na ang isa sa pinakamasayang araw ko ngayong 2013 at sobra akong nagpapasalamat nang dahil don. Hindi ko inaasahan na mapapabilang ako sa mga matatalinong estudyante sa school namen.


He is We - All About Us feat Owl City



Tuesday, February 5, 2013

Akala ko may "chance" pero wala na naman pala. Naunahan na naman ako ng napakalaki kong pride, takot, rejection, hiya at ng pagkaconservative ko. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito? Hanggang kailan ko pipigilan at itatago ang tunay kong nararamdaman? May nauna na naman saken. Mas masakit pala kung isip lagi ang sinusunod ko in the end ako rin ang talunan.

Saturday, January 26, 2013