Pano kung iniwan ka ng taong sobra mong minahal? Kasi hindi pa sya handang magmahal at hindi pa sya sigurado sa nararamdaman nya para sa'yo. Masakit mang malaman na hindi ka nya magawang mahalin pabalik pero nagbulag bulag ka pa rin. Hindi man nya masuklian ang pagmamahal mo para sa kanya pero nandyan ka pa rin para sa kanya. Higit sa lahat ang pinaasa ka lang nya dahil alam nyang mahal mo sya. Ang sakit at ang hirap tanggapin ang katotohanan di ba? Parang hindi mo na kayang mabuhay dahil sya lang ang buhay mo. Sa bawat ginagawa mo sya lang yung lagi mong naaalala, kahit saan ka man tumingin mukha nya ang tangi mong nakikita. Sa bawat araw na lumilipas hindi sya maalis sa puso't isipan mo. Gusto mo lagi kang nag-iisa, inaalala ang nakaraan, nagtatanong sa sarili at naghahanap ng kasagutan. Sa pagtulog at paggising mo sya ang unang unang pumapasok sa isip mo tapos hindi mo namamalayan na unti unti na pa lang tumutulo ang mga luha mo nang dahil sa kanya. Minsan ayaw mo nang gumising dahil sa paggising mo hindi pa rin naghihilom ang sugat sa iyong puso na dulot nya. Wala pa ring pagbabago kahit gusto mong kalimutan lahat ng tungkol sa kanya pero hindi iyon magiging madali para sa'yo lalo na't sya lang ang dahilan kung bakit ka masaya at nagturo kung paano magmahal.
Sa una mahirap, hindi madaling makalimot hanggang sa unti unti mo nang narerealize na panahon na para palayain ang sarili mo sa nakaraan at tuluyan ng makapagmove on. Ika nga "Time heals all wounds." Isipin mo na lang na isa sya sa pinakamagandang nangyari sa buhay mo and he's been a part of your life. He makes you happy despite of all the heartache. Siguro darating din yung time na tatawanan mo na lang ang mga nangyari kasi lumipas na ehh. Sinayang mo lang yung panahon na dapat naging busy ka sa ibang bagay at nagkaroon ng attention sa priorities sa buhay. Sabe nila "There is no pain that last forever."
No comments:
Post a Comment