Mahirap itago ang tunay na nararamdaman. lalo na kung sobrang sakit at hirap na. Pilit mang iwasang isipin hindi pa rin nito mababago ang katotohanang umaasa ka pa din kahit na walang kasiguraduhan, kahit na walang pag-asa at kahit na alam mong naghihintay ka lang sa wala. Mag-assume ka man in the end ikaw pa rin yung magmumukang tanga. Kapag talaga hindi pwede hindi talaga. Humiling ka man kay God o mag-dasal na sana sya na lang, hindi pa rin mangyayari ang gusto mo kung hindi naman para sa'yo. Nakakasawa na ang maghintay hindi dahil matagal kundi dahil sa sobrang bagal. Araw araw may inaasahang darating na magandang blessing, yung tipong paulit ulit kang magpapasalamat dahil sa sobrang kaligayahan. Yung tipong sasabihin mong " best gift ever" kahit na wala namang okasyon. Yung tipong hindi ka makatulog dahil tuwang tuwa ka. Yung tipong paggising mo nakangiti ka na agad dahil sa kanya. Yung tipong buong buo na yung araw mo dahil sa mga text messages lang. Yung tipong ikakaiyak mo na dahil sa sobrang saya sa pakiramdaman tapos gusto mo ng ipagsigawan na ang swerte swerte mong tao. Siguro ok na yun. Basta you feel the love and how to be loved. Kahit na may mga taong nagpapasaya sa'yo iba pa rin yung may isang taong kukumpleto sa'yo kung bakit ka masaya. Yung tuwing mag-isa ka na lang, isipin mo lang sya mawawala lahat ng lungkot, sakit at hirap na nararamdaman mo. Ang sarap isipin yung imposibleng mangyare saken. Dahil hanggang ngayon di ko pa sya kilala o natatagpuan man lang. Korni mang sabihin pero naniniwala ako sa Destiny. Right place. Right time. Right guy. And in God's way.
No comments:
Post a Comment