Sunday, March 31, 2013


Bawat kanta may kwento. Bawat linya nito may ibig sabihin. At bawat tugtog ay may nais ipahiwatig. Ang buhay parang musika, makahulugan, minsan masaya pero kadalasan napalalungkot, minsan maganda ang katapusan pero lagi naming bitin. Merong nagpapangiti, nagpapaiyak, higit sa lahat ito ay nagpapaalaala saten sa nakaraan. Kung pano tayo nasaktan at nagkaroon muli ng pag-asa. Sa tuwing nakikinig tayo ng mga kanta masasabi naten sa sarili naten na sana tayo na lang yung nasa ganong sitwasyon lalo na kung puno ng inspirasyon ang nais nitong iparating.

Lahat ng tao may kanya kanyang paborito pagdating sa musika kasi ito yung sumisimbolo sa kwento ng buhay naten, yung kahit mag isa ka  lang pero sa tuwing pinapakinggan ramdam mo na di ka nag iisa  and you feel at ease. Aminin man naten o hindi pero lahat ng naririnig nateng kanta ay may aral saten, aral na sana noong una pa lang ay alam na naten pero di naman naten malalaman kung di naten naumpisahan at kung di naten tatapusin. Hindi bas a bawat kanta ay may isang tao tayong naaalala? Kasi ito yung taong minsan na ring naging parte ng buhay naten, binigyang halaga at tumatak sa puso’t isipan naten. Sa magagandang memories na naiwan nya na tanging kanta lamang ang nagpapaalaala.